Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.
Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Martes (December 22, 3:00 PM) nakapagtala ng 425 na bagong kaso kaya pumalo na sa 67,072 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.
Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 17,389
Laguna – 17,890
Batangas – 11,391
Rizal – 14,331
Quezon – 6,071
Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 5,519.
Nasa 59,707 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 287 na bagong recoveries.
Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 15,250
Laguna – 16,340
Batangas – 10,632
Rizal – 12,536
Quezon – 4,949
Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 14 kaya umabot na sa 1,846 ang bilang.
Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 472
Laguna – 404
Batangas – 333
Rizal – 462
Quezon – 175
Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:
1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay.