Bilang ng mga nakarecover sa COVID-19 sa Navotas 5,191 na

By Mary Rose Cabrales December 23, 2020 - 04:00 AM

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling sa coronavirus disease o COVID-19 sa Navotas.

Base sa huling datos ng lungsod (alas-5 ng hapon ng Martes, December 22), nasa 5,191 na ang nakarecover sa COVID-19 kung saan 1 ang nadagdag.

Walang naitalang bagong nasawi sa lungsod kaya ang bilang ng COVID-19 related deaths ay 168 pa rin.

Ang bilang naman ng active cases ay 57 kung saan 4 ang bagong naitala.

Sa kabuuan umabot na sa 5,416 ang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.

Patuloy na paalala ng pamahalaang lungsod ng Navotas na panatilihin ang pagsunod sa mga safety measures para maiwasan ang pagdami pa ng kaso.

TAGS: coronavirus, COVID-19, Health, navotas, coronavirus, COVID-19, Health, navotas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.