Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang lalawigan ng Surigao del Norte.
Ayon sa Phivolcs Earthquake information no. 2, naitala ang pagyanig sa 27 kilometers northeast ng bayan ng Burgos, alas-9:37 gabi ng Martes (December 22).
Naitala ang sumusunod na intensities:
Intensity IV – Burgos, Pilar, San Isidro and Santa Monica, Surigao del Norte
Intensity III – Del Carmen and San Benito, Surigao del Norte
Intensity II – Dapa, Socorro and General Luna, Surigao del Norte
Naitala rin ang instrumental intensity 1 sa Surigao City at Borongan City.
May lalim na 11 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.
Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian at aftershocks bunsod ng pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES