U.S. Capitol, nagpatupad ng lockdown dahil sa shooting incident

By Dona Dominguez-Cargullo March 29, 2016 - 07:19 AM

US CApitolNagpatupad ng lockdown sa U.S. Capitol Hill at mismong sa White House matapos ang shooting incident na naganap sa Visitors Center ng Capitol complex.

Bigla umanong bumunot ng baril ang lalaki habang dumadaan sa security checkpoint ng gusali dahilan para paputukan siya ng police security.

Isang hindi pa nakikilalang babaeng bystander ang nagtamo ng moniro injuries matapos matalsikan ng shrapnel.

Agad namang inalis ang pag-iral ng lockdown sa White House, pero nananatili pa ring sarado ang U.S. Capitol.

Kinilala ang nasabing suspek na si Larry Russell Dawson na mila sa Antioch, Tennessee.

Si Dawson ay nakasuhan na noong October 23, 2015 dahil sa pangugulo din sa Capitol grounds.

 

TAGS: US Capitol lockdown, US Capitol lockdown

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.