14 sugatan sa aksidente sa EDSA Muñoz sa QC

By Dona Dominguez-Cargullo March 29, 2016 - 07:15 AM

EDSA MUNOZAabot sa 14 ang nasugatan sa aksidenteng naganap sa EDSA Muñoz sa Quezon City.

Maagang naitala ang aksidente sangkot ang dalawang bus sa intersection ng EDSA Muñoz, bago mag alas 5:00 ng umaga.

Maliban sa Admiral Transport at Sta. Rita Bus na nagbanggaan ay damay din sa aksidente ang isang motorsiklo at L300 van.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) aabot sa 14 na mga pasahero ang nasugatan kasama na ang konduktor ng Sta Rita bus na pinakamalubha ang tinamong sugat.

Ang iba naman ay pawang minor injuries lamang ang tinamo at nilapatan na lamang ng lunas sa mga rumespondeng ambulansya.

Iniimbestigahan pa ng Quezon City Police Traffic Sector kung paano nagana pang aksidente, pero nakita ring bumangga sa isang poste ang Admiral Transport.

Nagdulot ng matinding pagsisikip sa daloy ng traffic sa EDSA southbound ang nasabing aksidente

Alas 6:28 na ng umaga nang maialis sa lugar ang mga sangkot na sasakyan.

 

TAGS: Accident in EDSA Munoz Quezon City, Accident in EDSA Munoz Quezon City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.