Sen. Marcos may hinala na ‘gun-for-hire’ ang ‘killer cop’

By Jan Escosio December 22, 2020 - 11:30 PM

May hinala si Senator Imee Marcos na may nagbibigay-proteksyon kay Police Staff Sergeant Jonel Nuezca.

Dagdag pagdududa pa ng senadora, maaari aniyang ‘hitman’ pa ang pulis na pumatay sa mag-inang Sonya at Frank Anthony Gregorio.

“Sino mga padrino nito? The guy is clearly inured to shooting people like target practice, using his service firearm,” tanong ni Marcos.

Binanggit nito na ang dalawang kasong homicide na kinaharap noong nakaraang taon ni Nuezca at iba pang kasong kriminal na may kinalaman sa kanyang trabaho bilang alagad ng batas.

Nais ni Marcos na maimbestigahan din ang mga opisyal ni Nuezca at aniya, nakikita niya ang pangangailangan na amyendahan ang Republic Act 8551 para sa reporma at reorganisasyon ng pambansang pulisya.

TAGS: double murder, Frank Anthony Gregorio, Gun for hire, Inquirer News, Jonel Nuezca, Nuezca murder case, Radyo Inquirer news, Sen. Imee Marcos, Sonya Gregorio, Tarlac shooting, double murder, Frank Anthony Gregorio, Gun for hire, Inquirer News, Jonel Nuezca, Nuezca murder case, Radyo Inquirer news, Sen. Imee Marcos, Sonya Gregorio, Tarlac shooting

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.