Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang December 22, nanatili sa 12,816 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 84 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 3,652 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Nasa isa naman ang bagong gumaling kung kaya 8,235 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Isa rin ang bagong napaulat na nasawi.
Dahil dito, 929 na ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 7,626 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 1,772 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 781 naman ang kaso sa Americas at 2,637 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.