Operational procedures ng PNP, dapat nang baguhin – Rep. Biazon
Iginiit ni Muntinlupa City Rep. Ruffy Biazon na kailangan nang baguhin ang police operational procedures (POP) pagdating sa pangangalap at pag-iingat ng ebidensya.
Ayon kay Biazon, kailangan ng reporma para matiyak na nakakalap ang mga ebidensya sa operasyon ng mga pulis nang sa gayon ay tumayo ang kaso sa korte.
Giit nito, hindi dapat itrato ng DILG at ng PNP bilang isolated case ang pagpatay ni Nuezca sa mag-inang Sonya at Anthony Gregorio kundi sintomas ng sakit sa institusyon at indikasyon na mayroong mali dito.
Maaari aniyang sa pamamaraan o curriculum ng training, monitoring ng skills, mental health at disiplina o sa kanilang standard operating procedures o protocols.
Tiniyak naman ng mambabatas na isusulong nila ang kinakailangang lehislasyon kung may pangangailangan para sa reporma o kaya naman ay magsagawa ng imbestigasyon para gumawa ng evaluation.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.