Rep. Zarate, handang makipag-usap kay Pangulong Duterte
Kung para sa ikabubuti ng taumbayan, handa raw makipag-usap si Bayan Muna partylist Rep. Carlos Zarate kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sagot ito ng kongresista sa hamon ng Presidente na harapin siya ni Zarate ng lalaki sa lalaki.
Sa televised briefing, Lunes ng gabi (December 21), muling binanatan ng Pangulo ang mambabatas kung saan kinuwestyon rin nito kung galing sa rebeldeng komunista ang ginagastos sa pag-aaral ng anak ni Zarate sa Europa.
Tugon naman ng kongresista, ang tuition, board at iba pang gastusin sa pag-aaral ng kanyang nag-iisang anak na si Xandro ay sponsored ng mga kaanak na nasa ibang bansa.
Sinusuportahan niya rin daw ito ay ng kanyang asawang abogado sa abot ng kanilang makakaya.
Pagtiyak ni Zarate, galing sa malinis at lehitimong sources ang ginagastos sa pag-aaral ng kanyang anak.
Nilinaw naman nito na noong September 2017 pa nagpuntang Poland at nag-aral sa Pope John Paul II University ang anak at nakauwi na ito noong July 2019 para dito tapusin ang pag-aaral.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.