Reporma sa PNP o magbitiw sa puwesto hamon ni Rep. Alvarez kay PNP Chief Sinas

By Erwin Aguilon December 22, 2020 - 11:53 AM

Photo grab from PNP Facebook video

Hinamon ni Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez si PNP Chief Debold Sinas na magsagawa ng reporma sa Philippine National Police (PNP) o magbitiw sa pwesto.

Ayon kay Alvarez, bagaman dapat lamang na maparusahan agad si Police Master Sergeant Jonel Nuezca na pumatay ng mag-ina sa Tarlac dahil sa ginawa nitong krimen, hindi naman dapat isantabi ang sistema sa PNP.

Kailangan aniyang silipin ang PNP bilang isang institusyon na ngayon ay tinatawag na ng marami na “Pumapatay Ng Pilipino”-PNP.

Mahalaga na ma-review at magsagawa ng reporma sa sistema upang maitama ang mga pagkakamali.

Iginiit din ni Alvarez na i-demand o hilingin ng publiko ang command responsibility na ipinatutupad ni Chief Sinas sa hanay ng pulisya.

Kung hindi aniya magabayan ng hepe ang kanyang mga tauhan at hindi maprotektahan ang mga Pilipino ay hindi dapat ito manatiling PNP Chief bagkus ay mag-resign na ito agad sa pwesto.

 

 

 

TAGS: Anthony Gregorio, Breaking News in the Philippines, debold sinas, double murder, Inquirer News, Jonel Nuezca, Justice for Sonya Gregorio, paniqui tarlac, Philippine News, PNP, Radyo Inquirer, Sonya Gregorio, Tagalog breaking news, tagalog news website, Anthony Gregorio, Breaking News in the Philippines, debold sinas, double murder, Inquirer News, Jonel Nuezca, Justice for Sonya Gregorio, paniqui tarlac, Philippine News, PNP, Radyo Inquirer, Sonya Gregorio, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.