Sen. Bong Go sinabing hindi siya ‘presidentiable’ sa 2022 elections

By Jan Escosio December 22, 2020 - 11:40 AM

Kung si Senator Christopher Go ang masusunod, nais niyang matanggal na ang kanyang pangalan sa mga itinuturing na ‘presidentiable’ sa 2022 elections.

Giit nito hindi dapat isama ang kanyang pangalan sa mga survey para sa mga maaring tumakbo sa puwesto na babakantehin ni Pangulong Duterte sa 2022.

Pagdidiin ni Go wala siyang plano para upuan ang pinakamataas na posisyon sa bansa.

Aniya hindi panahon ngayon para pag-usapan ang politika dahil ang dapat na inaatupag ay ang pagtugon sa kasakalukuyang pandemya.

Nabanggit din nito na binigyan na siya ng pagkakataon nang mahalal siya sa pagka-senador noong nakaraang taon.

Marami din aniyang paraan para makapasilbi sa kapwa at sa bayan hindi lang sa pamamagitan ng posisyon sa gobyerno.

 

 

 

TAGS: 2022 elections, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, Philippine News, Presidentiables, Radyo Inquirer, Senate, senator bong go, Tagalog breaking news, tagalog news website, 2022 elections, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, Philippine News, Presidentiables, Radyo Inquirer, Senate, senator bong go, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.