Pulis na namaril sa mag-ina sa Tarlac gustong pakainin ni Pangulong Duterte ng COVID

By Chona Yu December 22, 2020 - 10:55 AM

“Pakainin ninyo ng COVID ‘yang ulol na ‘yan”.

Ito ang naging utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa gabinete matapos ang ginawang pamamaril ni Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca mag inang Sonya Gregorio, 52, at Frank Anthony Gregorio, 25, sa Paniqui Rarlac.

Ayon sa pangulo ang mga taong maysakit sa ulo na kagaya ni Nuezca ang dapat na magka-COVID.

Nakapagtataka ayon sa pangulo kung paano nakalusot sa neuro test si Nuezca.

Sinabi ng pangulo na malinaw naman ang kanyang utos sa mga pulis.

Tuparin ng maayos ang tungkulin at kakampihan niya ang mga ito.

Pero kapag mali tiyak na magbabayad sila sa impyerno.

Utos ng pangulo sa Philippine National Police, tiyakin na hindi makalalabas ng kulungan si Nuezca dahil double murder ang kanyang kaso.

 

 

 

 

TAGS: Anthony Gregorio, Breaking News in the Philippines, COVID-19 cases, double murder, Inquirer News, Jonel Nuezca, Justice for Sonya Gregorio, paniqui tarlac, Philippine News, PNP, Radyo Inquirer, Sonya Gregorio, Tagalog breaking news, tagalog news website, Anthony Gregorio, Breaking News in the Philippines, COVID-19 cases, double murder, Inquirer News, Jonel Nuezca, Justice for Sonya Gregorio, paniqui tarlac, Philippine News, PNP, Radyo Inquirer, Sonya Gregorio, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.