Sa tulong ng “One-Stop Permit” shops, cell tower installations ng Globe sa 24 na mga lugar mas mapapabilis

Inaasahang mas mapapabilis ang pagtatayo ng cell tower ng Globe sa 24 pang mga lugar sa bansa.

Ayon sa Globe, ito ay bunsod ng pagtatayo ng “One-Stop Permit” shop ng mga local governments units (LGUs) sa sumusunod na mga lugar:

Palawan
Nueva Ecija
Negros Oriental
Oriental Mindoro
Occidental Mindoro
Cebu
Quezon
Batangas
Bulacan
Ifugao

Sa Palawan mayroong pinakamaraming one stop shops na matatagpuan sa El Nido, Coron, Brooke’s Point, Bataraza at Aborlan.

Dahil dito, mas nagiging madali para sa telcos ang magproseso ng aplikasyon para sa pagtatayo ng bagong cell sites.

Kapwa naman mayroong tig-apat na one-stop shop ang Nueva Ecija at Oriental Mindoro.

Ito ay makikita sa Licab, Munoz, Cabiao at Talavera sa Nueva Ecija; at sa Calapan, Puerto Galera, Bulalacao at Pola sa Oriental Mindoro.

Mayroon ding one-stop shop sa Dumaguete City at Tanjay City sa Negros Oriental; Ipil, Zamboanga Sibugay; Toledo City, Cebu; Norzagaray, Bulacan; Lucena, Quezon; Balayan, Batangas; Mamburao , Occidental Mindoro; San Juan City; at sa Alfonso Luna, Ifugao.

“We are grateful for the initiative of these 24 local government units who are complementing our efforts to bring more connectivity and wider coverage in their respective areas. We are hoping that these LGUs will inspire others to support and be with us in bringing better, more enjoyable and accessible talk, SMS and data services to more Filipinos in 2021,” ayon kay Joel Agustin, Globe Senior Vice President for Program Delivery, Network Technical Group.

Una nang nagtayo ng kani-kanilang one-stop shop para sa permitting requirements sa telcos ang Makati, Manila, Marikina, Calamba, Tagaytay City at Legazpi, Albay.

Target ng Globe na makapagtayo ng 2,000 cell towers sa susunod na taon.

 

 

 

Read more...