17,000 noche buena packs handog ng isang grupo sa mga “poorest of the poor” sa NCR

By Dona Dominguez-Cargullo December 22, 2020 - 08:10 AM

Umaabot sa 17,000 food packs para sa noche buena ang ipinamahagi ng Pitmaster Foundation Inc. sa labingpitong lungsod ng Metro Manila.

Ayon kay Pitmaster Foundation Executive Director Caroline Cruz, ipinadaan sa mga alkalde ang noche buena donations at sila na ang bahalang magbigay nito sa pinakamahihirap na constituents nila.

“This is our little way na iparamdam sa mga mahihirap na mga kababayan natin na kahit may pandemic, tuloy ang pasko sa pamamagitan ng simpleng salo-salo ng pamilya”, ayon kay Atty. Cruz

Sinabi ni Cruz na bawat lungsod sa NCR ay hinatiran ng 1,000 food packs na nagkakahalaga ng P500 bawat isa.

Ito ay naglalaman ng ilang kilo ng bigas, de lata, spaghetti, fruit cocktail, at iba pa.

“Ramdam po namin sa Pitmaster ang pinagdadaanan ng mga tao sa mga panahon ngayon lalo na ang mga mahihirap na simula pa noong ECQ ay problema na ang pagkain”, dagdag pa ni Cruz.

Abut-abot naman ang pasasalamat ng mga LGUs sa NCR sa maagang pa-noche buena ng naturang foundation.

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, COVID-19, department of health, Health, Inquirer News, MGCQ, NCR, Noche Buena Products, pandemic, Philippine News, Pitmaster, public health concern, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, COVID-19, department of health, Health, Inquirer News, MGCQ, NCR, Noche Buena Products, pandemic, Philippine News, Pitmaster, public health concern, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.