Bilang ng nasawi sa Brussels attacks, 35 na

(Ketevan Kardava/ Georgian Public Broadcaster via AP)
(Ketevan Kardava/ Georgian Public Broadcaster via AP)

Tumaas pa sa 35 ang bilang ng mga nasawi sa mga pag-atake sa Brussels, Belgium makaraang pumanaw na ang apat na malubhang nasugatan sa nasabing insidente na naganap halos isang linggo na ang nagdaan.

Sa kabuuan, 31 ang naunang naitalang nasawi sa paliparan at istasyon ng tren na pinangyarihan ng pag-atake, at ang apat ay nasawi na sa mga ospital na pinagsuguran sa kanila dahil sa kanilang mga natamong sugat.

Samantala, umiiral pa rin ang paghahanap ng mga otoridad sa mga suspek sa mga pag-atakeng ito kasunod ng pagsasagawa nila ng 13 na raids sa Belgium.

Inilabas na rin ng Belgian police ang buong CCTV footage kung saan makikita ang sinasabing isa pang suspek sa pagpapasabog sa paliparan, na hanggang ngayon ay pinaghahanap pa rin.

Read more...