Bayan ng San Juan sa Batangas, COVID-19 free na

By Dona Dominguez-Cargullo December 22, 2020 - 09:15 AM

Gumaling na ang nag-iisang aktibong kaso ng COVID-19 sa munisipalidad ng San Juan sa lalawigan ng Batangas.

Siya ay si case no. SJ145 mula sa Barangay Lipahan.

Dahil dito, sinabi ng San Juan, Batangas LGU na as of 8:00 ng umaga ngayong Martes, Dec. 22 ay COVID-19 free na ang bayan ng San Juan.

Simula noong April 7, 2020 umabot sa 145 ang total number ng confirmed COVID cases sa bayan.

Sa nasabing bilang, 9 ang nasawi.

Tiniyak naman ni San Juan, Batangas Mayor Ildebrando D. Salud na hindi titigil sa pagpapaalala ang LGU kaugnay sa pagsunod sa minimum health protocols na ipinatutupad upang maging ligtas laban sa sakit na COVID-19.

 

 

 

TAGS: Batangas, Breaking News in the Philippines, COVID 19-free, COVID-19, department of health, Health, Inquirer News, MGCQ, pandemic, Philippine News, public health concern, Radyo Inquirer, san Juan, Tagalog breaking news, tagalog news website, Batangas, Breaking News in the Philippines, COVID 19-free, COVID-19, department of health, Health, Inquirer News, MGCQ, pandemic, Philippine News, public health concern, Radyo Inquirer, san Juan, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.