4 patay sa engkwentro sa South Cotabato

By Dona Dominguez-Cargullo December 22, 2020 - 09:01 AM

Tatlong lawless elements ang nasawi sa engkwentro sa militar at pulis sa Polomolok, South Cotabato.

Ayon kay Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr., Commander ng Western Mindanao Command ng AFP, isisilbi ng mga tauhan ng 5th Special Forces Battalion at Polomolok Municipal Police Station ang warrant of arrest para sa kasong murder laban sa isang Tho Catucan sa Purok 1, Barangay Sumbakil.

Pero papalapit pa lang ang mga otoridad ay nagpaputok na ng baril ang suspek at mga kasamahan niya.

Doon na nauwi sa palitan ng putok ang insidente na ikinasawi ni Catucan at dalawa niyang kasama na sina Jer Maguisulan at Rabino Kutin.

Dinala pa sila sa Polomolok Municipal Hospital pero idineklarang Dead on Arrival (DOA).

Dalawang nagsilbing ‘guide’ ng mga otoridad naman ang tinamaan ng bala.

Isa sa kanila ang nasawi ayon kay Vinluan.

“We regret to report that one of the guides was declared Dead on Arrival by the attending physician at Polomolok Municipal Hospital,” ayon kay Lt. Col. Randy Banaag, Commanding Officer ng 5th Special Forces Battalion.

 

 

 

TAGS: AFP, Breaking News in the Philippines, encounter, Inquirer News, lawless elements, murder suspect, Philippine News, PNP, Radyo Inquirer, South Cotabato, Tagalog breaking news, tagalog news website, AFP, Breaking News in the Philippines, encounter, Inquirer News, lawless elements, murder suspect, Philippine News, PNP, Radyo Inquirer, South Cotabato, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.