Coast Guard nakapagtala ng halos 8,000 pasaherong bumiyahe sa mga pantalan

Simula alas 12:00 ng madaling araw hanggang alas 6:00 ng umaga ngayong Martes, Dec. 22, 2020 umabot sa halos 8,000 ang naitala ng Philippine Coast Guard na bumiyahe sa mga pantalan.

Sa ilalim ng Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2020 ng Coast Guard, mayroong 4,414 na outbound passengers at 3,301 inbound passengers ang kanilang na-monitor.

Mayroong 1,409 na tauhan ng Coast Guard na ipinakalat sa mga pantalan.

Nagsagawa din ng inspeksyon sa nasa 107 mga barko at 43 motorbancas.

 

 

 

 

Read more...