Uson, Masbate niyanig ng magnitude 3.6 na lindol
By Dona Dominguez-Cargullo December 22, 2020 - 06:29 AM
Niyanig ng magnitude 3.6 na lindol ang lalawigan ng Masbate.
Ayon sa Phivolcs ang epicenter ng lindol ay naitala sa layong 9 kilometers northeast ng bayan ng Uson alas 6:04 ng umaga ngayong Martes, Dec. 22.
May lalim na 21 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin nito.
Naitala ang Intensity III sa Masbate City bunsod ng lindol.
Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.