Bilang ng active cases sa Mandaluyong City nadagdagan pa

By Mary Rose Cabrales December 22, 2020 - 04:20 AM


Nadagdagan pa ang bilang ng coronavirus disease o COVID-19 active cases sa lungsod ng Mandaluyong.

Sa datos ng Mandaluyong City Health Department (Lunes, December 21, 5:30 PM), 104 ang bilang ng active cases sa lungsod kung saan 15 ang nadagdag.

Ang bilang naman ng mga gumaling na o naka-recover na ay nasa 5,503 kung saan 12 ang bagong napaulat,

Ang bilang naman ng nasawi sa virus ay nanatili sa 170.

Umabot naman na sa 5,777 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.

Ang bilang ng suspected cases ay 139 at 1 ang probable.

Ayon sa Mandaluyong City Health Department ang pagtaas ng bilang ng mga bagong kaso ng tinamaan ng virus at suspected cases ay resulta ng mas pinaigting na mass testing at contact tracing sa lungsod. Ang hakbang ay ginawa upang matukoy at agarang mabigyan ng karampatang lunas ang mga nagpositibo.

TAGS: coronavirus, COVID-19, Health, Mandaluyong, coronavirus, COVID-19, Health, Mandaluyong

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.