Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.
Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Lunes (December 21, 3:00 PM) nakapagtala ng 192 na bagong kaso kaya pumalo na sa 66,647 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.
Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 17,389
Laguna – 17,798
Batangas – 11,352
Rizal – 14,065
Quezon – 6.043
Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 5,395.
Nasa 59,420 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 148 na bagong recoveries.
Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 15,250
Laguna – 16,339
Batangas – 10,558
Rizal – 12,337
Quezon – 4,936
Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 5 kaya umabot na sa 1,832 ang bilang.
Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 472
Laguna – 402
Batangas – 330
Rizal – 453
Quezon – 175
Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:
1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay.