COVID-19 cases sa Western Visayas, nasa 21,134 na
Nagpositibo ang 19 pang pasyente sa COVID-19 sa bahagi ng Western Visayas.
Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang December 21, umakyat na sa 21,134 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
1,044 sa nasabing bilang ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.
Sinabi nito na 80.75 porsyento ng mga kaso ng COVID-19 ay asymptomatic o walang nararanasang sintomas.
141 naman ang gumaling pa kaya 19,467 na ang total recoveries sa Western Visayas.
Nanatili naman sa 618 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.