Active COVID-19 patients sa Muntinlupa, bumaba pa

Umabot na sa 5,053 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City.

Batay sa datos ng Muntinlupa City government hanggang 5:00, Lunes ng hapon (December 21), sa nasabing bilang ay 38 ang aktibong kaso.

240 naman ang ikinokonsidera bilang probable case at 44 ang suspected cases.

Samantala, 4,850 residente na sa lungsod ang gumaling sa COVID-19 pandemic habang 165 pa rin ang bilang ng nasawi.

Read more...