Mga siklista, runner at scooter rider, iginiit na hindi na dapat pinagsusuot ng face shield
Hindi na kailangan pa ng cyclists, runners at scooter riders na magsuot ng face shields at pagre-require rin sa riders na maglagay ng motorcycle barriers.
Ito ang iginiit ni ACT-CIS Partylist Rep. Jocelyn Tulfo kasabay ng apila sa Inter-Agency Task Force (IATF) na itigil na ang pag-oobliga nito sa mga nasabing indibidwal.
Sinabi ni Tulfo na katawa-tawa ang requirements na ito kaya naman hiniling ng kongresista na iabandona na ng IATF ang aniya’y “one size fits all” policy.
Ang solusyon aniya para labanan ang COVID-19 ay nangangailangan ng calibration, logic, reason at common sense.
Paliwanag ni Tulfo, ioobliga lamang dapat ang pagsusuot ng face shields sa public places at indoor spaces na maraming tao pero hindi sa mga lansangan at kalsada.
Napatunayan na rin aniya na senseless at nagiging dahilan pa ng aksidente sa kalsada ang paglalagay ng barriers sa mga motorsiklo at hindi rin para sa road use ang paggamit ng face shield.
Pinalilimita rin ng kongresista ang paggamit ng face shield lalo na sa mga bayan at probinsya na may isa lang o wala talagang kaso ng COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.