Ayon kay Deputy Minority Leader at Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, nagiging kultura ang police brutality dahil sa paglala ng impunity sa bansa.
Mahirap aniya na ituring na isolated incident ang pamamaslang sa mga Gregorio dahil naging talamak na ang “kill, kill, kill culture” sa hanay ng mga pulis ngayong taon.
Naniniwala naman si Bayan Muna Rep. Eufemia Cullamat na malaking dahilan sa mga maling gawi ng mga pulis ang patuloy na pagtatanggol at pagtatakip sa mga ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Aniya, nagiging malakas ang loob ng mga pulis na gumawa ng krimen bunsod ng paniniwala na mayroon silang proteksyon at kaya nila itong lusutan.
Iginiit pa ng mga mambabatas ang agad na pagpaparusa sa pulis na si Nuezca at ang agad na pagbibigay hustisya sa mga pinaslang nitong biktima.