Outbound passengers sa mga pantalan sa Pasko, mahigit 13,000 na

Patuloy ang pag-monitor ng Philippine Coast Guard sa bilang ng mga pasahero sa mga pantalan kasabay ng Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2020.

Batay sa monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG), nakapagtala ng kabuuang 13,211 na outbound passengers sa mga pantalan habang 211,592 ang inbound passengers.

Ito ay mula 6:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali, araw ng Lunes (December 21).

Nasa 1,399 naman ang itinalagang PCG personnel sa mga pantalan.

Base pa sa datos, 263 ang inspected vessels at 187 ang inspected motorbancas.

Pinaalalahanan pa rin ang mga pasahero na manatiling alerto at sumunod sa mga panuntunan sa mga pantalan at sasakyang-pandagat.

Read more...