Higit 11,000 residente sa QC, sumailalim sa swab test sa loob ng isang linggo

Nasa 11,515 katao ang sumailalim sa contact tracing at swab testing ng Quezon City health department (QCHD) mula December 14 hanggang 19, 2020.

Nalampasan nito ang weekly target na 7,500 swabbed individuals na itinakda ng gobyerno.

“We’re able to reach as many residents as needed and exceeded the National Task Force’s target by 53 percent because of our continuous expansion in terms of contact tracing and testing. This is our response as we observed a continuous increase in the number of COVID-19 positive cases as the holidays approach,” ayon kay Dr. Rolando Cruz, pinuno ng City’s Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU).

Sinabi pa nito na patuloy ang pagsasagawa ng swab testing ng CESU, lalo na sa frontliners.

“Those who work in markets and groceries are among the usual reported contacts of our positive patients. We understand that more people are preparing for the holidays hence, these said places are among the most frequented too,” dagdag pa nito.

Nakikipag-ugnayan na ang CESU at QCHD sa Project Ark para sa pooled testing sa mga pamilihan.

Sa kabuuan, nasa 112,000 PCR tests na ang naisagawa sa lungsod kabilang ang pooled testing.

Patuloy namang nagpaalala si Mayor Joy Belmonte sa mga residente na ugaliin ang basic health protocols lalo na ngayong holiday season.

“While we are continuously improving our COVID-19 response, we will not stop reminding our people to be responsible and to do their part in this battle. COVID-19 virus is still in our city and we must not in any way relax our defenses,” pahayag ng alkalde.

Umapela rin si Belmonte na iwasan muna ang pagbisita sa mga residente at ikonsidera ang online parties bilang alternatibo.

Read more...