Pahayag ito ni Mayor Isko matapos gawaran ng parangal sa 8th Regional Competitiveness Summit ng DTI at Digital Governance Awards ng DILG.
Ayon kay Mayor Isko, pagbubutihin pa lalo ng mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ang pagbibigay ng serbisyo sa bawat Manileño.
Dagdag pa ni Mayor Isko, susi sa epektibong pangangasiwa sa siyudad ng Maynila ang pagtutulungan ng lahat ng mga Departamento ng Pamahalaang Lungsod at pakikiisa ng mga mamamayan sa mga plano at programa ng lokal na pamahalaan.
Matatandaang nanguna ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa tatlong kategorya ng 8th Regional Competitiveness Summit ngayon taon. Ito ang Overall Competitiveness Award for Highly Urbanized Cities, Most Competitive in Infrastructure Award in Highly Urbanized Cities at Most Competitive in Government Efficiency Award for High Urbanized Cities.
Pagdating naman sa Most Competitive in Resiliency for Highly Urbanized Cities at Most Competitive in Government Efficiency categories, nasa ikatlong pwesto ang Manila LGU.
Bukod dito, dalawang parangal din ang nakuha ng Maynila sa Digital Governance Awards noong nakaraang Linggo. Ito ang Best In Customer Empowerment at Best in Governmental Internal Process.