Comelec naglaan ng P22 Million na pambili ng mga T-shirts

By Chona Yu March 28, 2016 - 08:22 PM

comelec bldg
Inquirer file photo

Gagastos ang Commission on Elections o COMELEC ng mahigit P22 Million para ipambili ng t-shirts at uniforms ng kanilang mga empleyado at mga uupong Board of Election Inspectors (BEI) sa araw ng botohan.

Sa ilalim ng invitation to bid na may petsang March 22, 2016, nabatid na bibili ang Comelec ng 6,158 na piraso ng T-shirts para sa kanilang mga empleyado at ito ay may aprubadong pondo na mahigit sa P1.2 Million.

Para naman sa mga myembro ng BEI, mahigit 277,000 uniforms ang bibilhin ng Comelec at ito ay may aprubadong pondo na mahigit P20.8 Million.

Binigyang-katwiran naman ng Comelec ang pagbili ng uniporme para sa BEI.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, makakatulong ang uniporme para makaramdam ng dignidad sa pagganap ng kanilang tungkulin ang mga BEI na siyang tatayong mga frontliner sa araw ng eleksyon. Gayunman, hindi naman direktang mapuntirya ng Comelec kung ano ang direktang maitutulong ng mga T-shirts at uniporme sa pagpapahusay sa voters experience at sa paglaban sa posibleng dayaan sa eleksyon.

TAGS: BEI, comelec, Uniform, BEI, comelec, Uniform

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.