Pagbaba ng hunger rate hindi dahilan para maging kampante ang pamahalaan na labanan ang pagkagutom – Malakanyang
Doble-kayod pa rin ang pamahalaan sa pagtatrabaho para labanan ang pagkagutom ng mga Filipino.
Pahayag ito ng palasyo kahit na bumaba na ang hunger rate sa bansa base sa survey ng Social Weather Station na isinagawa sa huling bahagi ng 2020 na nagpapakitang 16% na lamang ng mga Filipino ang nagsabing sila ay nakakaranas ng involuntary hunger isang beses sa nakalipas na tatlong buwan.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles, hindi pa rin na magpapaka-kampante ang pamahalaan.
Mula sa 30.7 percent rate ng involuntary hunger noong Setyembre ay naibaba ito sa 16 percent.
Ayon kay Nograles malaking hamon pa rin dahil kumakatawan pa ito sa apat na milyong Filipino.
Aminado naman si Nograles na ang pagbaba ng bilang ng mga nagugutom ay senyales na tama ang tinatahak na landas ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte para labanan ang pagkagutom at pagtibayin ang mga programa ng Task Force Zero Hunger.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.