Yellow heavy rainfall warning nakataas pa rin sa ilang bahagi ng Aurora

By Dona Dominguez-Cargullo December 21, 2020 - 11:28 AM

Nakararanas pa rin ng malakas at patuloy na pag-ulan sa lalawigan ng Aurora.

Sa inilabas na rainfall warning ng PAGASA alas 11:00 ng umaga ngayong Lunes, Dec. 21 yellow warning level pa rin ang nakataas sa mga bayan ng Baler, San Luis, Casiguran at Dilasag sa Aurora.

Babala ng PAGASA maaring makaranas ng pagbaha sa mababang lugar at landslides sa bulubunduking lugar.

Samantala, nakararanas naman ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Dinapigue, San Agustin, at Jones sa Isabela; Maddela at Nagtipunan, Quirino; at sa mga bayan ng Dingalan, Dipaculao, Maria Aurora at Dinalungan sa Aurora.

 

 

 

 

TAGS: Aurora, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, Pagasa, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, yellow warning, Aurora, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, Pagasa, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, yellow warning

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.