Ayon kay Pimentel, posibleng maapektuhan ang suplay ng ready-to-use fuels sa hinaharap lalo na kung nagsisimula nang bumangon ang bansa.
Ang mga refineries kasi ang siyang lumilikha ng mga finished petroleum products tulad ng gasolina, diesel, kerosene, jet fuel at LPG mula sa krudo.
Bukod sa Pilipinas ay maraming oil refineries sa buong mundo ang nagsuspindi ng operasyon matapos bumagsak ang fuel demand bunsod ng epekto ng COVID-19 pandemic.
Dahil dito hinikayat ng kongresista ang House Committee on Energy ang posibleng epekto ng pagsasara sa energy security ng bansa.
Pinatitiyak din ng mambabatas na mayroong sapat na storage capacity para sa ready-to-use fuels sakali mang magkaroon ng krisis na magreresulta sa pagpigil sa operasyon ng mga refinery hubs sa ibang bansa na pinagkukuhaan din ng suplay ng bansa.
Nito lamang Mayo ay sinuspindi na ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. ang kanilang refinery operation sa Tabangao, Batangas habang ang Petron Corp. ay nagabiso na ihihinto muna ang kanilang operasyon ng 180,000 barrel per day refinery sa Limay, Bataan sa kalagitnaan ng Enero ng susunod na taon.