Sinibak na RCBC branch manager hindi dadalo sa Senate probe

By Den Macaranas March 28, 2016 - 04:46 PM

Deguito1
Inquirer file photo

Sinabi ni dating Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC) Jupiter branch manager Maia Santos-Deguito na hindi siya makadadalo bukas sa pagdinig ng Senado sa $81 Million money laundering scam.

Sinabi ng kanyang legal counsel na si Atty. Rene Saguisag na may sakit ang kanyang kliyente pero hindi naman niya idinetalye ang karamdaman nito.

Ipinaliwanag ni Saguisag na dalawang beses nang nakadalo sa imbestigasyon ng makapangyarihang Blue Ribbon Committee ang kanyang kliyente.

Sinabi rin ng naturang abogado na hindi biro ang mga pinagdaanan ni Deguito sa mga nakalipas na araw na bukod sa kinasuhan ng paglabag sa Anti-Money Laudering Law ay sinibak pa ng RCBC sa kanyang trabaho.

Si Deguito ang naging sentro ng balita makaraang lumutang ang balitang naipasok sa bansa ang bahagi ng multi-dollar account na na-hack mula Bangladesh Central Bank na naka-deposito sa Federal Reserve sa New York.

Inaasahan naman na dadalo sa imbestigasyon ng Senado bukas si Kim Wongm, ang junket operator na nauna nang isinangkot ni Deguito sa eskandalo.

Haharap din bukas sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee ang mga  kinatawan ng Solaire Resorts and Casino at RCBC.

TAGS: Deguito, Kim Wong, Money-Laundering, RCBC, Solaire, Deguito, Kim Wong, Money-Laundering, RCBC, Solaire

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.