Pamamaril ng isang pulis sa mag-ina sa Tarlac hindi ‘isolated incident’

By Dona Dominguez-Cargullo December 21, 2020 - 09:36 AM

Para kay BAYAN Sec. Gen. Renato Reyes Jr., hindi maituturing na isolated incident ang nangyari pamamaril ng isang pulis sa mag-ina sa Tarlac.

“Hindi po isolated incidents ang mga ito. #EndPoliceBrutality,” ayon kay Reyes.

Kasabay nito hinimok ni Reyes si Pangulong Rodrigo Duterte na siya mismo ang magsabi sa PNP na itigil ang pagpatay.

Panawagan ni Reyes wakasan na ang police brutality.

Dapat aniya kondenahin ng pangulo ang ginagawa ng PNP na pagtatanim ng ebidensya, pagsasampa ng mga pekeng kaso at cover-ups.

Umaani ngayon ng batikos at iba’t ibang reaksyon sa social media ang pamamaril ng pulis na si Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca sa mag-inang sina Sonya at Anthony Gregorio sa Paniqui, Tarlac.

 

 

 

TAGS: BAYAN, Breaking News in the Philippines, double murder, Inquirer News, Jonel Nuezca, Murder, paniqui tarlac, Philippine News, Radyo Inquirer, SonyaGregorio, Tagalog breaking news, tagalog news website, BAYAN, Breaking News in the Philippines, double murder, Inquirer News, Jonel Nuezca, Murder, paniqui tarlac, Philippine News, Radyo Inquirer, SonyaGregorio, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.