Magat dam nagpapakawala pa din ng tubig; 4 na gates ang nakabukas

Patuloy ang pagpapakawala ng tubig sa Magat Dam sa Isabela.

As of 6:00 ng umaga ngayong Dec. 21, binawasan ng NIA-MARIIS ang gate opening ng radial gate #6 ng Magat Dam ng isang metro.

Ang kabuuang gate opening ng dam ay nasa 7 metro na lamang.

Madaling araw kanina nang isinara na rin ang radial gate #7 kung kaya’t apat (4) na gate na lamang ng dam ang nakabukas.

Samantala, nanananatili namang nasa critical level na 11.4 meters ang water level sa Buntun Bridge sa Cagayan.

Inaabisuhan pa rin ang lahat ng residente na manatili sa ligtas na lugar at mag-ingat.

 

 

 

Read more...