PNoy mangunguna sa proklamasyon ng mga kandidato ng LP sa Maynila

By Den Macaranas March 28, 2016 - 04:25 PM

Aquino lim
Inquirer file photo

Matapos na gunitain ang Semana-Santa ay balik-kampanya si Pangulong Noynoy Aquino.

Dadaluhan ng Pangulo ang proclamation rally ng mga lokal na kandidato ng Liberal Party sa lungsod ng Maynila.

Gaganapin ito alas-sais ng gabi sa Plaza Miranda sa Quiapo na daaluhan ng mga kandidato mula sa anim na distrito ng lungsod.

Makakasama ng Pangulo sa nasabing okasyon ang mga lokal at national candidates ng Liberal para sa May 9 elections.

Si dating Manila Mayor Fred Lim ang siyang pambato ng partido kung saan ay makakaharap niya sina Mayor Erap Estrada at Congressman Amado Bagatsing.

Kaninang umaga ay umikot na sa bahagi ng Divisoria at Muslim Center sa Quiapo para mangampanya ang standard bearer ng Liberal Party na si Mar Roxas.

Bahagi ng programa ang pagtataas ng kamay at photo opportunity sa mga lokal na kandidato at ang talumpati ni Pangulong Aquino.

TAGS: Aquino, Bagatsing, Estrada, Liberal, lim, manila, Plaza Miranda, Aquino, Bagatsing, Estrada, Liberal, lim, manila, Plaza Miranda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.