#StopTheKillingsPH, #PulisAngTerrorista, #JusticeforSonyaGregorio trending sa Twitter kasunod ng pagpatay ng isang pulis sa mag-ina sa Tarlac

By Dona Dominguez-Cargullo December 21, 2020 - 07:54 AM

Top 5 sa Philippine trends sa Twitter ang mga hashtag na mayroong kaugnayan sa pagpatay ng isang pulis-Paranaque sa mag-ina sa Paniqui, Tarlac.

As of 7:45 ng umaga ngayong Lunes, December 21, number 1 trending sa Philippine trends sa Twitter ang hashtag #StopTheKillingsPH.

Sinundan ito ng mga hashtag na #PulisAngTerrorista, #EndPoliceBrutality, #JusticeforSonyaGregorio, at #MYFATHERISAPOLICEMAN

Ang mag-inang Sonya Gregorio, 52 anyos at Anthony Gregorio, 25 ay nasawi matapos barilin ng pulis na si Senior Master Sergeant Jonel Nuezca, 46 anyos.

Si Nuezca ay aktibong pulis at nakatalaga sa Parañaque City Crime laboratory.

Hindi pa malinaw kung ano ang motibo sa krimen pero makiki sa video, na inaawat ng kaniyang ina si Anthony na nakikipagtalo sa pulis.

Sa dulong bahagi ng video, makikita ang isang dalagita na anak umano ng suspek na nakipagsigawan naman sa biktimang si Sonya.

Sinagot-sagot ni Sonya ang dalagita habang patuloy na inaawat ang anak niyang si Anthony at doon na binaril ng suspek ang mag-ina.

Si Nuezca ay sumuko din kagabi sa Chief of Police ng Rosales Pangasinan police station.

 

TAGS: #EndPoliceBrutality, #JusticeforSonyaGregorio, #PulisAngTerrorista, #StopTheKillingsPH, 4 #MYFATHERISAPOLICEMAN, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, #EndPoliceBrutality, #JusticeforSonyaGregorio, #PulisAngTerrorista, #StopTheKillingsPH, 4 #MYFATHERISAPOLICEMAN, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.