6,000 katao inilikas sa Isabela at Cagayan dahil sa pagbaha

Aabot sa 6,000 ang inilikas sa Isabela at Cagayan matapos muling makaranas ng pagbaha.

Kahapon nagpakawala ng tubig sa Magat dam at umanbot sa 7 gates nito ang binuksan.

Sa datos ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council nasa 5,912 na katao o katumbas ng 1,467 na pamilya ang inilikas mula sa dalawang lalawigan.

Sa Isabela, binaha ang mga bayan ng Sta. Maria, Benito Soliven, San Mariano, San Pablo, Ilagan, Cabagan, Cordon, Tumauini, Cauayan City, Mallig, Delfin Albano, San Isidro, at Quezon.

Maraming bayan din sa Cagayan ang muling binaha kasama na ang Tuguegarao City.

 

 

 

 

Read more...