Water level ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon nadagdagan sa magdamag
Nadagdagan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa sa nakalipas magdamag.
Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 215.55 meters alas-6:00 umaga ng Lunes (December 21) mas mataas ito sa antas nito kahapon na 213.60 meters.
Nadagdagan din ang antas ng tubig ng Ipo dam na sa 99.90 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 99.84 meters habang ang antas ng tubig ng La Mesa dam ay nadagdagan din na nasa 79.71 meters ngayong umaga mas mataas sa antas nito kahapon na 79.61 meters.
Ang water level ng Ambuklao, San Roque, Pantabangan at Caliraya dams ay nadagdagan habang nabawasan naman ang Binga at Magat dams.
Nagpapakawala naman ng tubig ang Magat dam kung saan bukas ang 4 na gate nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.