Sa inilabas na rainfall warning ng PAGASA alas 5:00 ng umaga ngayong Lunes, Dec. 21 yellow warning level na ang nakataas sa buong lalawigan ng Aurora at sa bayan ng Alfonso Castañeda sa Nueva Vizcaya.
Babala ng PAGASA maaring makaranas ng pagbaha sa mababang lugar at landslides sa bulubunduking lugar.
Samantala, nakararanas naman ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Dinapigue, Isabela; Maddela at Nagtipunan, Quirino; Dupax del Sur, Dupax del Norte at Kasibu, Nueva Vizcaya.
READ NEXT
Bagyong Vicky nasa labas na ng bansa; tropical storm warning signal number 1 nakataas pa rin sa Kalayaan Islands
MOST READ
LATEST STORIES