Tarragona, Davao Oriental niyanig ng magnitude 4.4 na lindol


Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang lalawigan ng Davao Oriental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 141 kilometers southeast ng bayan ng Tarragona, alas-3:07 umaga ng Lunes (December 21).

May lalim na 9 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

Read more...