Sa ikaanim na sunod na linggo, presyo ng produktong petrolyo muling tataas

Magkakaroon muli ng pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis.

Tinatayang nasa 75 hanggang 85 centavos ang madaragdag sa presyo ng kada litro ng gasolina at diesel.

Habang 85 hanggang 95 centavos naman ang dagdag sa presyo ng kada litro ng kerosene.

Ngayong araw iaanunsyo ng mga kumpanya ng langis ang eksaktong halaga ng ipatutupad na price increase.

Bukas naman araw Martes magiging epektibo ang dagdag presyo.

 

 

 

 

Read more...