Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 66,455
Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.
Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Linggo (December 20, 3:00 PM) nakapagtala ng 58 na bagong kaso kaya pumalo na sa 66,455 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.
Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 17,364
Laguna – 17,784
Batangas – 11,296
Rizal – 14,065
Quezon – 5,946
Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 5,356.
Nasa 59,272 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 10 na bagong recoveries.
Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 15,179
Laguna – 16,336
Batangas – 10,500
Rizal – 12,337
Quezon – 4,920
Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 1 kaya umabot na sa 1,827 ang bilang.
Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 470
Laguna – 402
Batangas – 329
Rizal – 453
Quezon – 173
Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:
1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.