Inanunsyo na ng ilang mga oil companies ang dagdag singil sa presyo ng mga produktong petrolyo epektibo alas-sais ng umaga bukas, araw ng Martes.
Sa kanilang pahayag, sinabi ng Pilipinas Shell, Seaoil Philippines Inc., PTT at Flying V na epekto ng pag-galaw sa presyo sa world market ang nagtulak sa kanila para magtaas ng presyo sa kanilang mga produkto.
Ang Shell, Seaoil, PTT at Flying V ay pare-parehong magtataas ng P0.40/liter para sa Gasolina, P0.20/liter sa Diesel samantala ng P0.10/liter naman sa Kerosene o Gaas.
Inaasahan na mag-aanunsyo rin mamaya ng kanilang price adjustment ang iba pang kumpanya ng langis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.