Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Tropical Depression Vicky, Linggo ng hapon.
Sa severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 70 kilometers Southeast ng Pagasa Island, Palawan bandang 4:00 ng hapon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong pa-Kanluran sa bilis na 15 kilometers per hour.
Bunsod nito, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 sa Kalayaan Islands.
Inalis naman ang storm signal sa ilang lalawigan.
Sinabi ng PAGASA na maaaring maging tropical storm ang bagyo sa susunod na 12 oras.
Dahil sa epekto ng Tail-End of a Frontal System (Shear Line) at bagyo, mararanasan ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan sa mainland Cagayan Valley, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Aurora, Quezon, Bicol Region, northern portion ng Palawan kabilang anv Calamian Islands, at Kalayaan Islands.
Mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan sa Babuyan Islands at nalalabing bahagi ng Cordillera Administrative Region.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.