30 pampublikong sasakyan, pinayagan nang makabiyahe
By Radyo Inquirer News Team December 20, 2020 - 05:33 PM
Nasa 30 pampublikong sasakyan pa ang pinayagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) na makabiyahe sa lansangan.
Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board, ito ay may biyaheng Rizal province at Quezon City.
Pero ito ay modern jeepneys at public utility vans.
Magsisimulang bumiyahe ang dagdag na ruta simula sa Lunes, December 21.
Target ng LTFRB na matulungan ang mga biyahero lalo na sa panahon ng Pasko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.