7 patay, isa sugatan dahil sa Bagyong Vicky – PNP

By Angellic Jordan December 20, 2020 - 05:19 PM

Nasa pito katao ang nasawi habang isa ang nasugatan matapos tumama ang Tropical Depression Vicky, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Base sa situation report, sinabi ng PNP Public Information Office na sa nasabing bilang, dalawa ang naitala sa Eastern Visayas habang lima naman sa Caraga region.

Anim sa pitong nasawi ay nalunod at isa ang pumanaw sa aksidente dahil sa landslide.

Ayon pa sa pambansang pulisya, apat ang napaulat na nawawala sa ilang lugar sa Mindanao; dalawa sa Davao region at dalawa sa Caraga.

Nasa 853 katao ang nananatili sa evacuation centers sa Mindanao kung saan 177 ang nasa temporary shelters sa Davao habang 676 sa Caraga.

TAGS: bagyong Vicky, Inquirer News, PNP monitoring, Radyo Inquirer news, Tropical Depression Vicky, Vicky casualties, VickyPH, bagyong Vicky, Inquirer News, PNP monitoring, Radyo Inquirer news, Tropical Depression Vicky, Vicky casualties, VickyPH

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.