Orange rainfall warning, nakataas sa Aurora
Nakataas pa rin ang heavy rainfall warning ang ilang lugar sa bansa.
Sa inilabas na abiso ng PAGASA bandang 2:00, Linggo ng hapon (December 20), ito ay dulot pa rin ng Tail-end of Frontal System.
Nakataas ang orange warning level sa Aurora.
Yellow warning level naman ang nakataas sa Quirino, southern Isabela, at Nueva Vizcaya (Alfonso Castañeda)
Dahil dito, sinabi ng weather bureau na posibleng makararanas ng matinding pagbaha sa mabababang lugar.
Maaari ring magkaroon ng pagguho ng lupa sa mga landslide prone area.
Pinayuhan ang publiko at disaster risk reduction and management council na manatiling nakatutok sa lagay ng panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.