2 establisyemento sa QC, ipinasara dahil sa paglabag sa ordinansa

By Angellic Jordan December 20, 2020 - 02:18 PM

QC government photo

Ipinasara ng Quezon City Government ang dalawang establisyemento dahil sa paglabag sa mga ordinansa ng lungsod.

Inilabas ang Temporary Closure order ng QC Business Permits & Licensing Department sa Sir John Funeral Services sa Barangay Culiat.

Ito ay dahil sa pagbibigay ng home service o pagbuburol sa bahay ng pamilya ng pumanaw na labag sa GCQ guidelines ng lungsod.

Maliban dito, paso na rin ang Mayor’s Permit ng funeral parlor.

Ipinasara rin ang Vince Vega Restobar sa bahagi ng Barangay Siena.

Hindi naman tumalima ang restobar sa minimum health protocols at quarantine guidelines.

Nag-expire na rin ang business permit nito.

Nagpaalala naman ang QC government sa mga may-ari ng mga negosyo na sumunod sa mga ordinansa at quarantine guidelines ng lungsod.

QC government photo

TAGS: Inquirer News, quarantine violations, Radyo Inquirer news, Sir John Funeral Services, Vince Vega Restobar, Inquirer News, quarantine violations, Radyo Inquirer news, Sir John Funeral Services, Vince Vega Restobar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.