Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Sabado (December 19), umabot na sa 458,044 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 28,047 o 6.1 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 1,491 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
83.4 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 8.8 porsyento ang asymptomatic; 0.30 porsyento ang moderate; 2.5 porsyento ang severe habang 4.9 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 36 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 8,911 o 1.95 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 436 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 421,086 o 91.9 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.